Nilinaw ng White House na walang plano si US President Joe Biden na bisitahin ang Ukraine capital city na Kyiv.
Sinabi ni White House Press Secretary Jen Psaki posibleng high-ranking officials ang ipadala sa Ukraine gaya nina Secretary of State Antony Blinken o kaya naman ay Defense Secretary Lloyd Austin.

Ayon kay Psaki, umaasa ang America na muling mabubuksan ang US embassy sa Kyiv pero wala pa siyang masasabi kung kailan ito mangyayari.
Unang inihayag ni Ukraine President Volodymyr Zelensky na inakala niyang magtutungon sa Kyiv si Biden.
Nilinaw naman nitong iginagalang niya ang desisyon ni Biden lalo na at kailangang ikonsidera ang sitwasyon.