Nakaranas ng pang-aabuso ang isang 22 anyos na Palaweña sa kamay ng live-in partner niya na isang Koreano.
Iniulat ng Puerto Princesa City Police Office na nangyari ang pananakit sa biktimang si JOYCE ABRANTES GALANG, Filipino sa Purok Maligaya 1, National Highway, Barangay Tagburos, Puerto Princesa City nitong April 18, 2022.
Ayon sa PPCPO, ang suspek ay si OH HOON KWON @ STEVE KWON 52 anyos, caretaker at kasalukoyang nakatira sa Barangay Tagburos sa lungsod.
Sinabi ng biktima na kinompronta siya ng live-in tungkol sa kanyang kapatid na si Jholyn Galang na kaaway umano ng suspek. Nagalit umano ang suspek at hinataw ng golf stick ng ilang beses si Joyce sa katawan.
Nangyari ang lahat sa harap ng mga bata noong alas-nwebe ng umaga ng Lunes, April 18.
Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9262 o Anti-Violence Against Women and their Children Act of 2004.