Naglagay na ng Olongapo Traffic Management and Public Safety o OTMPS ng loading at unloading signs sa SBMA-Kalaklan Gate Olongapo.
Ito para magkaroon tamang babaan at sakayan ang mga manggagawa ng Freeport na at iba pang mga pasahero.
Ayon kay OTMPS Chief Maj. Camilo Pablo, noong nakalipas na linggo ay sinimulan na ng opisina ang pagpintura ng yellow lane sa magkabilang mga bahagi ng kalsada at dadagdagan pa ng puting pintura para mas lalong makita ng mga transport sector.
Samantala, bukod sa loading at unloading signs ay maglalagay rin ng signage na magsisilbing gabay sa mga mananakay.//Jeff Valdez-BNFM OLONGAPO
