Nilinaw ni US President Joe Biden na wala siyang pinagsisisihan sa kanyang desisyon na i-withdraw ang tropa ng America mula sa Afghanistan ngayong patuloy ang paghahasik ng kaguluhan ng Taliban.
Sa halip ay hinikayat ni Biden ang mga leader ng Afghanistan na magkaisa at lumaban para sa kanilang bansa.
Sa kabila nito, sinabi ni Biden na patuloy na tinutupad ng US ang kanilang commitment sa Afghanistan tulad ng pagbibigay ng close air support, pagbabayad ng military salaries at pagsusuplay sa Afghan forces ng mga pagkain at equipment.
Matatandaan na umusbong ang karahasan sa iba’t ibang bahagi ng Afghanistan kasunod ng pag-pullout ng tropa ng America matapos ang 20 taon ng military operations sa lugar.
Una nang kinumpirma ng Afghan authorities na umabot na sa mahigit 1,000 na mga sibilyan ang namatay sa gitna ng sagupaan ng tropa ng gobyerno at ng Taliban.