Alex Gonzaga, ibinahagi ang pakikiapgkulitan niya sa kaniyang asawa nang magpabakuna ito kontra COVID-19

Ikinatuwa ng netizens ang pakikipagkulitan ng TV personality at vlogger na si Alex Gonzaga sa kaniyang asawa na si Mikee Morada bago ito nagpaturok ng second dose ng COVID-19 vaccine.

Sa post ni Gonzaga ay makikita ang kanilang litrato ni Morada na naka-pose habang ipinakikita ang bahagi ng kanilang braso na naturukan ng bakuna.

Sinabi ni Gonzaga sa caption, “Last week we were fully vaxxed!!! Thank you Lord! Swipe to see kung paano kapag napangasawa mo mang-aasar! “

Mapapanuod naman sa video na tinatrato ni Alex ang kaniyang mister na tila isang bata na kabado sa tuwing nakakakita ng karayom.

Sinabi ni Alex kay Morada, “Huwag ka nang tumingin, hawakan mo ang kamay ko. Think of happy thoughts. Isipin mo ang wedding day natin.”

Nagbiro pa si Alex na maglolollipop sila pagkatapos magpabakuna.