LEGAZPI CITY – Kinumpirma ng Department of Education (DEPED) Bicol, na nasungkit ng Bicol Regions o Bicol Vulcans ang ang una nitong gintong medalya sa nagpapatuloy na Palarong Pambansa 2024 sa Cebu City.
Sa panayam ng Brigada News FM Legazpi kay DepEd Regional Director Gilbert Sadsad, sa ikalawang araw umano sa nasabing palaro ay nasungkit ng rehiyon ang gintong medalya. Ang nasabing karangalan ay nasungkit ng lalawigan ng Masbate na si Si Courtney Jewel Trangia, Girls division Discuss Throw.
Inaasahan din umano ng pamunuan, na sa mga susunod na laro ay madadagdagan pa ng isa pang gintong medalya ang rehiyon ng Bicol para sa ASEAN School Games sa Vietnam.
Samantala, sinabi si Sadsad, hindi rin nagpatalo ang rehiyon sa katatapos lang ng National Festival of Talents 2024 sa Palarong Bicol sa Naga, Cebu City kung saan 3rd runner up ito.
Nangunguna ang Region 4A o Calabarzon, sinundan ng Region 3, Region 11, at panghuli naman ang National Capital Region (NCR).