SSS Daet magsasagawa ng Nationwide registration caravan para sa mga wala pang SS Number

CAMARINES NORTE – Nakatakdang magsagawa ng nationwide registration Caravan ang Social Security System Daet Branch sa Lunes, July 15 mula alas 10 ng umaga hanggang alas 5 ng hapon sa SM City Daet.

Kaugnay nito ay hinimok ng SSS ang mga 18 anyos pataas na wala pang SS number na magtungo lang sa SM City Daet Event Center at magparehistro.

Read More:  NPA regional committee in Caraga collapses as remaining members surrender

Magdala lang ng valid ID at Birth Certificate.

Mababatid na maliban sa naturang hakbang ng SSS ay nagtungo rin ito sa iba’t ibang eskwelahan para i-enroll ang mga graduationg senior high school students upang kung mag desisyon ang mga itong magtrabaho pagkatapos ng graduation ay mayroon nang SSS number. Hinihingi kasi ng employer ang SSS number ng empleyado para sa pag remit ng kontribusyon.

Read More:  Missing 19-year-old woman found dead in Cebu