Magsasagawa ng satellite voter registration sa SM City Daet ang Commission on Elections ngayong Biyernes, July 13, 2024. Ito na ang ikatlong pagkakataon na nagsagawa ng voter registration ang Comelec sa mall simula nang mag umpisa ang voter registration bilang paghahanda sa May 2025 national and Local Elections.
Ayon kay Atty. Sarena Noblefranca, Acting Election Officer ng Daet, kasabay ng regular na proseso ng voter registration ay available din ang Register Anywhere Program (RAP) na naglalayong bigyan ng pagkakataon ang mga botante na makapagparehistro kung saan nila nais bomoto sa May 2025 national and local elections at sa susunod pang mga halalan na hindi na kailangan pang tumungo sa kani-kanilang munisipyo para isagawa ang pagpaparehistro.
Ang Comelec Daet lang ang mayroong RAP dahil available lang ito sa mga capital town at highly urbanized cities. Batay sa datos ng Comelec, umaabot sa 62, 000 ang registered voters sa Daet batay sa pinakahulung Election Registration Board hearing noong Abril.
