Bicol region nakapagtala ng 140 bagong kaso ng COVID-19 kahapon habang recoveries umabot sa mahigit 500

BNFM BICOL— Bahagya nang bumababa kahit papaano ang mga naitatalang kaso ng COVID-19 sa Bicol sa ikalawang araw nang pagpasok ng buwan ng Pebrero.

Batay sa tala ng Department of Health-Bicol kahapon, umabot sa 140 ang mga naitalang bagong kaso ng sakit sa rehiyon.

Sa naturang bilang, ang lalawigan ng  Camarines Sur ay may 68 mga bagong kaso kung saan 29 nito ang mula sa Naga City;  pito sa Iriga City; anim sa Bombon; lima sa Pili; tatlo sa Nabua at Tigaon; dalawa sa Bato, Calabanga, Camaligan at San Jose habang may tag-iisang kaso naman ang mga bayan ng Bula, Cabusao, Caramoran, Libmanan, Ocampo, Pasacao at San Fernando.

Read More:  16-year-old alleged gunman linked to Cebu City slaying

Ang lalawigan ng Masbate ay mayroong 30 mga bagong kaso kung saan anim nito ang mula sa Masbate City; lima sa Aroroy at Milagros; tatlo sa Mandaon at Uson; dalawa sa Dimasalang, Esperanza at Mobo at tag-isang kaso naman anag Cataingan at San Jacinto.

Umabot naman sa 19 ang naidagdag sa Albay kung saan tag apat ang Legazpi City at Tabaco City; tatlo sa Daraga; dalawa sa Ligao at Oas at may tag-iisa ang Guinobatan, Libon, Malinao at Tiwi.

Samantala, 12 kaso naman ng COVID-19 ang naidagdag sa Camarines Norte kung saan apat ang mula sa Daet at Jose Panganiban habang tag-iisa ang mga bayan ng Capalonga, Labo, Mercedes at San Lorenzo Ruiz.

Read More:  P6-M smuggled goods seized at Dumaguete Port

May siyam na bagong kaso naman ang Sorsogon kung saan apat nito ang mula sa Sorsogon City; dalawa sa Gubat at Prieto Diaz at isa sa bayan ng Barcelona.

May dalawang kaso ang islang lalawigan ng Catanduanes mula sa bayan ng Bato at San Miguel.

Bunsod nito, pumapalo na sa 57,789 ang mga naitalang kaso ng COVID-19 sa Bicol kung saan 9,157 sa mga ito ang aktibong kaso.

Nadagdagan naman ng 541 ang bilang ng mga gumaling kung kaya’t nasa 46,587 na ang bilang ng recoveries habang isa naman ang naidagdag sa mga nasawi na sa ngayon ay umaabot na sa 2,045.###