BNFM BICOL—Patuloy ang suporta at pamamahagi ng food assistance ng LGU-Camalig sa lalawigan ng Albay para sa mga residente ng kanilang bayan na natukoy bilang “close contacts” ng mga indibidwal na nag positibo sa COVID-19.
Ang naturang hakbang ng LGU ay upang mapigilan ang pagkalat o transmission ng COVID-19 sa iba’t-ibang bahagi ng bayan kung kaya’t tinutugunan nila ang mga pangunahing pangangailangan ng mga closed contacts habang ang mga ito ay naka quarantine o nakasailalim sa ‘strict isolation.’
Kaugnay nito, regular naman ang pag monitor na isinasagawa ng mga kawani ng Barangay Health Emergency Response Team sa mga closed contacts para masigurong istriktong sinusunod ng mga ito ang ‘prevention and control protocols.’###