Bicol region, nakapagtala lamang ng 11 bagong kaso ng COVID-19 kahapon

BNFM BICOL— Umabot lamang sa 11 ang mga naitalang bagong kaso ng COVID-19 sa Bicol kahapon batay sa ulat ng Department of Health.

Sa naturang bilang, walo dito ang nairehistro sa Camarines Sur, kung saan anim ang mula sa bayan ng Pili at tag isang kaso ang Cabusao at Garchitorena.

Read More:  NPA regional committee in Caraga collapses as remaining members surrender

Dalawang kaso naman ng sakit ang naidagdag sa Albay na mula sa Legazpi City at bayan ng Camalig habang may isang kaso rin ng sakit ang Sorsogon mula sa Sorsogon City.

Bunsod nito, pumapalo na sa 58,833 ang cumulative cases o ang kabuuang kaso ng sakit sa rehiyon kung saan 4,734 sa mga ito ang nananatiling aktibong kaso.

Read More:  14-year-old PWD dies in Cebu house fire

Nadagdagan naman ng 78 ang bilang ng mga gumaling kung kaya’t nasa 51,974 na ang recoveries habang dalawa ang napabilang sa mga nasawi kung kaya’t umakyat na rin  sa 2,125 ang COVID death toll sa Bicol.###