Ikalawang session ng “refresher course” para sa mga kukuha ng CSE ngayong Marso, isasagawa ngayong weekend sa Catanduanes

BNFM BICOL—Nakatakdang isagawa ngayong darating na weekend ang ikalawang  session ng “Refresher Course” program para sa mga reviewees ng  Catanduanes Provincial Local Government Unit na magsasailalim sa Career Service Examination- Pen and Paper Test for Professional and Sub-Professional Level ngayong buwan ng Marso.

Read More:  Live bullet and bullying note found inside Bacolod university

Ang unang session ng refresher course ay isinagawa na nitong February 19 at 20 sa Catanduanes State University Gymnasium habang sa darating naman na Feb 26 at 27 ang ikalawang session.

Ang mga tinanggap na reviewees sa nasabing kurso ay ang mga nakapagsumite lamang ng aplikasyon sa pamamagitan ng GO-HRRMD na isinumite naman ng CatSU.

Read More:  11-year-old child killed, 16-year-old injured after uncle’s knife attack in Negros Oriental

Pinapayuhan ang mga reviewees na magdala ng kanilang sariling writing materials, tubig at snack gayundin ang paghikayat sa mga itong sumunod sa mga umiiral na health protocols.###