BICOL—Nagtala ng 56 na bagong kaso ng COVID-19 ang Bicol region kung kaya pumalo na sa 5,833 (12.56%) ang cumulative cases nito.
Ang mga bagong kaso ay nagmula sa Catanduanes na may 25 kung saan siyam ang mula sa Virac, tig-apat ang Panganiban at San Andres, tatlo sa Caramoran, dalawa sa Gigmoto at tig-iisa ang Bagamanoc, Bato at Pandan.
Siyam ang bagong kaso sa Albay kung saan lima ang mula sa Legazpi City, dalawa sa Guinobatan at tig-isa ang Daraga at Tabaco City.
Siyam din ang bagong kaso sa Camarines Sur kung saan tigdalawa ang Naga City at Tigaon at tig-iisa ang Bula, Calabanga, Canaman, Magarao at Sipocot.
Pito ang bagong kaso sa Sorsogon kung saan apat ang mula sa Irosin, dalawa sa Matnog at isa sa Sorsogon City.
Ang Masbate ay may apat na bagog kaso kung saan tatlo ang mula sa San Pascual at isa sa Cataingan habang ang Camarines Norte ay nagtala ng dalawang bagong kaso na mula sa bayan ng Daet at Jose Panganiban.
Sa kabila nito ay mas bumaba pa rin ang aktibong kaso na nasa 5,833 (12.56%) na lamang dahil sa mas mataas na bilang ng mga bagong gumaling. 86 ang bagong recoveries kung saan 48 nito ay mula sa Catanduanes, 19 sa Sorsogon, 11 sa Masbate at walo sa Naga City kung kaya sa kabuuan ay pumalo na sa 38,952 (83.89%) ang bilang ng mga gumaling sa sakit sa rehiyon.
Sa kabilang dako ay tumaas naman ang bilang ng nasawi matapos madagdagan ng 12. Sampo nito ay mula sa Catanduanes at dalawa sa Sorsogon kung kaya sa kabuuan ay pumalo na sa 1.648 (3.55%) ang death toll sa COVID-19 sa Bicol region.
Kaugnay nito ay patuloy pa rin ang paalala ng DOH Bicol sa mga Bicolano na sundin ang BIDA Solusyon plus sa COVID-19 para sa Serbisyong Salud Bikolnon.### | slm