DSWD at DOH lumagda sa isang MOU para sa pagpapaigting ng COVID-19 vaccination sa Bicol

BICOL—Lumagda sa isang Memorandum of Understanding (MOU) ang Department of Health Bicol Center for Health Development (DOH Bicol CHD) at Department of Social Welfare and Development (DSWD) Region 5 para sa layuning mapalakas at mapabilis ang COVID-19 vaccination rollout sa rehiyon.

Ito ay sa ilalim ng MOU on Demand Generation for COVID-19 Vaccination kung saan sa pamamagitan ng mas matatag na ugnayan ng dalawang ahensya ay inaasahang mas mapapalakas ang kampanya sa bakunahan. Dumalo sa aktibidad kahapon sina DSWD Region 5 OIC-Regional Director Leo Quintilla at DOH Bicol CHD OIC-Assistant Regional Director Dr. Rosa Maria Rempillo at iba pang mga opisyal at kinatawan ng dalawang ahensya.

Read More:  Two die after minivan crashes into house in Cebu

Ilan sa mga nakapalaman sa MOU ay ang pagsama ng Demand Generation for COVID-19 Vaccination sa mga programa ng DSWD lalo na sa Family Development Sessions ng 4Ps Beneficiaries.

Read More:  How This Family Business in GenSan is Modernizing for a New Era of Doing Business

Nagkaroon din ng turnover ng Usapang Bakuna booklets na gagamiting gabay ng mga community frontliners para sa epektibong pagpapaabot at pagpapaunawa sa komunidad ng patungkol sa COVID-19 vaccination.### | slm