BFAR nagbabala sa publiko tungkol sa iligal na panghuhuli ng isda gamit ang pangunguryente

Nagbabala ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources Region 3 sa publiko na iligal ang panghuhuli ng isda gamit ang pangunguryente alinsunod sa RA 10654 o Illegal Unreported and Unregulated Fishing.

Ayon sa BFAR maaaring masira ang tirahan at biodiversity ng mga isda kung saan malimit na isinasagawa ang electrofishing.

Isa pa ay makasasama umano ang pangunguryente sa reproductive system ng mga isda at maapektuhan nito ang kakayahan nilang magparami.

Dagdag pa dito ang posibleng panganib din umano nito sa mga indibidwal na gumagamit ng electrofishng equipment at devices sakaling depektibo o aksidenteng magkamali ng paggamit sa mga ito.

Paalala ng bureau maaring maharap sa anim na buwang pagkakakulong at multang 5,000 ang mga mahuhuling nangnguryente ng isda.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *