Belle Mariano, pinangalanang Outstanding Asian Star sa Seoul International Drama Awards

Pinangalanan si Belle Mariano bilang isa sa mga recipients ng Outstanding Asian Star Prize sa 2022 Seoul International Drama Awards (SDA).

Ang 20-year-old actress ay nanguna mula sa 175 male at female actors para sa award.

Si Mariano ay kabilang sa limang honorees mula sa rehiyon.

Kabilang naman sa mga Filipino nominees sa category ay ang screen partner ni Mariano na si Donny Pangilinan, Charlie Dizon, Dimples Romana, Jake Cuenca, Maris Racal, Kaila Estrada, at Zanjoe Marudo.

Matatandaan na una nang nanalo sa Asian Star prize sa SDA ay ang mga aktor na sina Alden Richards noong 2019 at Dingdong Dantes noong 2020.