Napili si Atasha Muhlach na maging kinatawan ng Pilipinas sa prestihiyosong Le Bal des Débutantes sa Paris, France sa Nobyembre.
Sa kanyang Instagram, ibinahagi ng anak nina Aga Muhlach at Charlene Gonzalez ang naturang balita na may kasamang mga larawan niyang napaka-elegante na naka emerald green ensemble.
Ang Le Bal des Débutantes, ang nag-iisang Charity ball sa mundo, kung saan ang mga attendees ay nakasuot ng couture at haute couture.
Ito rin ay sa pamamagitan ng imbitasyon lang, na magbibigay daan para sa mapipili ng founder na si Ophelie Renouard.
Batay sa website ng Le Bal Paris, pagsasama-samahin ni Ophelie ang nasa 20 vibrant young women at ang kanilang cavaliers para sa naturang event, kada taon.
Ang iba pang Filipino women na naimbitahang dumalo sa glamorosong ball ay sina Natalia Zobel, Emily Madrigal, Dominique Cojuangco, at Monica Concepcion, at iba pa.
