Bayan ng Bulan, Sorsogon posible nang maging lungsod

Posible nang maging lungsod ang bayan ng Bulan, tatlong taon mula ngayon.

Ito kasi ang panahon na target ng LGU para mag-aplay ang bayan upang maging syudad. 

Pahayag ni Bulan Mayor Romeo Gordola,  bagama’t maaari na umano silang mag-apply para rito dahil kwalipikado na naman umano ang kanilang bayan pagdating sa bilang ng populasyon, lawak ng land area at target na income o revenue, mas makabubuti umano kung sa susunod na lamang na dalawa o tatlong taon nila ito gagawin upang mas maging handa ang bayan.

Read More:  Ancestral domain application in Negros filed in 2005 wins NCIP approval

Gayunpaman, sinabi ng opisyal na kung sa mas lalong madaling panahon ay talagang nais na ng kanilang mga residente na maging lungsod ang bayan ng Bulan ay agad na umano nilang hihilingin ang tulong ng Kongreso upang kanila nang masimulan ang pagproseso ng mga kailangang paghahanda para maging isa nang lungsod ang kanilang bayan.

Read More:  How This Family Business in GenSan is Modernizing for a New Era of Doing Business