KORONADAL CITY- MAGSISIMULA na bukas, Enero 3 hanggang 20, 2023 ang Business One Stop Shop o B.O.S.S sa lungsod ng Koronadal.
Ang BOSS ay isang hakbang para sa mga negosyante na gustong magbukas ng negosyo at magproseso ng aplikasyon para sa renewal ng kanilang mga busineess permits.
Ito ang kabilang sa mandadto ng Anti-Red Tape Authority o ARTA at in-compliance sa Ease of Doing Business o EODB law.
Ang pagkuha ng business permit ay naka-angkla sa dalawang hakbang na mas pinadali, 10 taon na ang nakararaan simula ng ito ang inilunsad ng gobyerno noong 2006.
Kaugnay nito, hinihikayat ang lahat na mga malalaki o maliliit mang mga negosyo sa Koronadal na i-proseso na ang mga business permits.
Samantala, kung kompleto at na-verify na ng mga BOSS staff, maaari ng magdirekta ang kliyente para sa payment ng Business Tax at FSIC, issuance, approval at releasing nito.
