Bicol International Airport (BIA), balik operasyon na

Balik operasyon na simula pa kahapon ang Bicol International Airport (BIA) sa Daraga, Albay matapos maantala ang mga pasahero dahil sa pagkansela ng mga flights.

Ayon sa Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP), ang pagkansela ng dalawang Cebu Pacific flights na may rutang Manila-Legazpi vice versa, at isang Philippine Airlines flight mula Manila papuntang Legazpi sa Bicol International Airport ay dulot ng technical glitch sa CAAP Air Traffic Management System.

Read More:  Grade 9 student found with suspected ₱204K shabu in Bacolod school

Ang mga apektadong pasahero ay naabisuhan at binigyan ng mga opsyon para sa libreng rebooking, travel fund at refund.

Gaya ng nakasaad sa Cebu Pacific advisory, para sa mga flight hanggang 11:59PM ng January 3, 2023, maaari umanong boluntaryong ipagpaliban ng mga pasahero ang kanilang paglipad at gamitin ang kanilang mga opsyon.

Read More:  4-year-old boy dies, two other minors survive drowning incident in Lapu-Lapu City

Para naman sa PAL, hinihikayat ang mga pasahero na ipagpatuloy ang pagsubaybay sa status ng kanilang flight gamit ang Flight Status self-service tool sa website.