Idineklara nang Drug Cleared Municipality ang bayan ng Aborlan, Palawan.
Ito ang inihayag kahapon June 08 ni PmaJ Reginal Manalo na Hepe ng Aborlan Municipal Police Station matapos ang kanilang mga ginawang balidasyon.
Dahil dito kinilala din ni Maj. Manalo ang naging katuwang nila sa pag-sugpo at pagpapatupad ng batas laban sa ipinagbabawal na gamot tulad ng Barangay Anti-Drug Abuse Council o BADAC ng Poblacion at Municipal Anti-Drug Abuse Council o MADAC.
Maituturing na drug-cleared ang isang barangay kung ito ay mayroong functional na Barangay Anti-Illegal Drug Abuse Council, non-availability ng suplay ng droga, may drug awareness campaign, at may voluntary and compulsory drug treatment and rehabilitation processing desk.
Samantala, mas paigtingin pa umano ng Pulisya ang pakikilaban sa nagpagpapalaganap ng droga partikular na ang mga gumagamit at nagbebenta.