Dinala na sa mental at rehab facilities ang 453 na mga pamilya, batang lansangan at mga nalulong sa illegal na gawain.
Ito ay ang mga indibidwal na na-rescue ng pamahalaan ng Angeles sa ilalim ng kanilang anti-medicancy law project.
Matatandaan na nitong nakaraang buwan lang ay ipinatupad na ang paghihigpit sa batas at nagsimula nang manghuli ang pamahalaan ng lahat ng lalabag at makikita sa kalsada.
Samantala, ang ilan sa mga ito ay dinala sa shelter of good will health services sa Magalang Pampanga at ang ilan ay dadaan sa anti-drug abuse council’s in-patient rehabilitation program ng Angeles.-
BNFM OLONGAPO-LESLEY DIZON
Courtesy by: Cio Angeles City
