LGU Jovellar, naghahanda na sa isasagawang validation ng DILG para sa SGLG

LEGAZPI CITY – Inihayag ng lokal na pamahalaan ng Jovellar, Albay na naghahanda na sila sa isasagawang validation ng Department of Local Government (DILG) para sa Seal of Good Local Governance (SGLG).

Sa panayam ng Brigada News FM Legazpi kay Municipal Mayor Joreem Arcangel, sinabi nito na nasa halos magtatatlong linggo na ang isinasagawa nilang paghahanda para sa nasabing validation.

Aniya, naihanda na ng kanilang team ang mga kakailanganin katulad na lamnang ng mga executive orders, ordinansa, at resolusyon.

Read More:  Aklan SB member’s home attacked in midnight shooting

Bukod dito, mayroon din umano silang mga engineering works na kino-comply sa ahensya.

Ayon kay Arcangel, hindi ito ang unang pagkakataon na ang Jovellar ay lalahok sa SGLG, dahil sa katunayan, unang naparangalan ang nasabing bayan noong taong 2011 sa kanyang unang termino bilang alkalde; habang pangalawa naman ay noong 2015.

Read More:  Radio commentator killed in BARMM shooting

Ngayon, aniya, ay naghahabol sila na makapag-comply sa mga kinakailangan para sa SGLG.

Sinabi niya, kasama na rin ang mga barangay sa titignan sa validation kung kaya’t magiging mahirap at kritikal ito sa ngayon.

Samantala, sinabi naman ng alkalde na sa ngayon ay nasa 87% ang kanilang kahandaan at mayroon pa silang at least 10% na kinakailangang matapos.