Bato – drug war ni Duterte, 85% pa ring matagumpay

Naniniwala si Senador Bato dela Rosa na matagumpay pa rin naman ang kampanya laban sa iligal na droga ng administrasyong Duterte.

Ito ang inihayag ng dating PNP chief matapos ang naging pag-amin ni Pangulong Rodrigo Duterte na nagkamali ito sa pagpangako niya sa kanyang kampanya na kaya niyang waksan ang narco-trade sa Pilipinas sa loob ng tatlo hanggang anim na buwan.

Read More:  BI proposes P247 airport fee for security modernization

Ayon kay dela Rosa, kumpiyansa niyang masasabi na 85% pa rin ang success level ng war-on-drugs ng administrasyon.

Aniya, bagamat hindi 100% na nalinis ang Pilipinas mula sa iligal na droga, matagumpay pa rin itong maituturing kung pagbabasehan umano ang statistics.

Kabilang na rito ang pagbaba ng crime rate, pati ang pakiramdam ngpubliko sa sitwayon ng peace and order sa bansa.

Read More:  Sen. Jinggoy Estrada surrenders to CIDG

Dagdag pa ni dela Rosa, matagumpay na napababa ang demand ng iligal na droga, at patunay daw dito ang pagdami ng mga sumukong user o pusher; at mga drug personalities na sumailalim sa rehabilitation.

Matatandaang si dela Rosa ang hepe ng PNP sa kainitan ng war-on-drugs ni Duterte, kung saan ipinatupad din sa buong bansa ang bersyon nila sa Davao ng ‘Oplan Tokhang’.
#