COMELEC, nilinaw na ‘di puwedeng bumoto ang nagpositibo na sa COVID-19

Nilinaw na ng Commission on Elections na hindi na talaga makaboboto pa ang mga taong nagpositibo sa COVID-19.

Ito ay matapos ang kalituhang naidulot ng magkaibang pahayag ng COMELEC at ng Department of Health kung papayagan bang makapunta ng mga polling precints ang mga COVID-positive.

Read More:  Marcos declines comment on Imee’s no-el claim

Sa isang panayam, nilinaw ni Comelec Commissioner George Garcia na bawal na talaagang makaboto ang isang indibidwal na kumpirmado nang positibo o ‘yung mga nagpapagaling sa bahay at isolation facilities.

Paliwanag ni Garcia, kung pagbabasehan ang IATF guidelines at ang Republic Act 11332, hindi papayagang makalabas ang mga naturang infected individuals.

Read More:  Akbayan endorses Hontiveros for 2028 presidential bid

Sa kabila nito, sinabi ni Garcia na hindi nila itataboy ang mga indibidwal na mayroong sintomas ngunit nasa mga polling precints na.

Magkakaroon naman ng mga isolated polling areas kung saan ay mayroong mga naka full-PPE na personnel na aasiste sa mga botanteng magpapamalas ng sintomas.
#