COMELEC Satellite Registration isinagawa sa Brgy. Pasandalan, Lebak, Sultan Kudarat!

BRGY. PASANDALAN, LEBAK, SULTAN KUDARAT – Patuloy parin ang programang satellite registration ng Commission on Elections o COMELEC, araw ng huwebes Hunyo 13, 2024 sa Barangay Pasandalan sa bayan ng Lebak, Sultan Kudarat.

Ang programang ito ay isang hakbang ng COMELEC para na maidala ang opisina nito sa lahat ng Barangays sa bayan ng Lebak na tinatawag na Satellite Registration.

Dinumog ng mga residente ng naturang Barangay ang satellite registration ng COMELEC ng mga botante.

Hunyo 13 at 14 ang naging skedyul ng Barangay Pasandalan para sa Voters Registration at para na rin sa mag reactivation o correction ng mga botante.

Sa panayam ng BNFM-Lebak kay Reginald Abad election officer, nagbigay siya ng skedyul ang COMELEC Satellite Registration sa mga sususnod na Barangay na kanilang pupuntahan, ito ay ang mga sumusunod: June 20 sa brgy. Ragandang

June 21-22 sa brgy. Nuling

June 27-28 sa brgy. Tibpuan

Iginiit niya sa kanyang panawagan na maaring magparehistro na ang lahat ng sa gayon magamit ang karapatang bumoto. Dagdag pa niya na maaaring pumunta lamang sa Brgy.

gymnasium at magparehistro at para makapagboto mismo sa araw ng election sa sususnod na taon.

Samantala, nagpapasalamat ang Barangay Pasandalan sa COMELEC dahil tumungo ang mga ito sa kanilang Brgy. para magkaroon ng satellite registration.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *