Barbie Imperial, Itinanggi ang kumakalat na balita na sya ay nagdadalang tao

Pinasinungalingan ni Barbie Imperial pinapakalat ng isang social media page na nagsasabing buntis siya at si Richard Gutierrez ang ama.

Ayon sa post, umamin daw si Barbie kay Boy Abunda na siya ay nagdadalantao at magiging tatay na raw si Richard.

Ginamit naman ni Barbie ang kanyang verified account para sabihin na hindi totoo ang mga paratang at hinikayat niya ang kanyang 14 million followers na i-report ang page na iyon.

Samantala, patuloy ang usap-usapan na may relasyon sina Barbie at Richard dahil ilang beses na silang nakitang magkasama, tulad ng sa South Korea. Pero wala pang komento si Barbie tungkol sa mga spekulasyong ito. (BRIGADA NEWS INTERN -ANGELA BRASAS)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *