Homeless Girl, hindi pinuproblema ang matitirhan dahil sa pagiging hot and pretty

Naghahanap ng apartment ang homeless girl na si Emily Webb, ngunit parating may mga nag o-offer sa mga nakakadate niya na sa bahay muna ng mga ito matulog.

Kabilang si Emily Webb sa Generation Z or Gen Z na nakatira sa Gold Coast, Australia, at nakalagay lang umano ang mga mahahalagang gamit nito sa kaniyang kotse.

Isang content creator si Emily at kumikita ito sa pamamagitan ng pagpapabayad nito sa mga adult content nya.

Minsan nakikitulog siya sa mga kaibigan niya, at minsan naman ay sa mga nakakadate niya.

Aniya, “Life hack: If you’re hot, don’t ever pay rent.”

Sinisiguro palagi ni Emily ang kanyang kaligtasan, at sa kanyang sitwasyon ngayon na mayroon siyang kalayaan, pakiramdam niya ay less vulnerable siya. (BRIGADA NEWS INTERN-JAZTINE CRUZ)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *