Pacquiao nakakuha ng bagong kalaban para sa Japan exhibition fight

Makakaharap na ngayon ni Manny Pacquiao ang ibang manlalaban sa kanyang three-round exhibition match sa Japan matapos na mainjury ang orihinal na kalaban nitong isang retiradong boksingero.

Nakatakda sana sa July 28 ang laban ni Pacqiao kay Chihiro Suzuki sa Saitama na may tatlong round na tig-tatlong minuto bawat isa, na walang desisyon ng mga hurado.

Ngunit napilitang umatras si Suzuki matapos mabali ang kanyang kamay at papalitan ng kapwa Japanese mixed martial artist na si Rukiya Anpo.

Sinabi ni Pacquiao noong nakaraang buwan na siya ay nasa negosasyon para makabalik sa propesyonal na boksing pagkaraan ng tatlong taon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *