Barbero, arestado sa pagbebenta ng ilegal na droga sa Tabaco City

LEGAZPI-Hawak na ng mga awtoridad ang isang barbero matapos magpositibo ito sa drug buy-bust operation sa Purok 2, Brgy. Mariroc, Tabaco City.

Kinilala ang suspek na si Alberto Bodoso Bonavente, a.k.a “Al”, 44 anyos, residente ng nasabing barangay.

Read More:  CCTV records alleged abduction in Cebu City

Ayon sa report, hapon ng isagawa ng mga kapulisan ang Anti-illegal Drug Operation sa lugar nang pagbentahan nito ang poseur buyer ng isang small heat-sealed transparent sachet na may laman na pinaniniwalaang shabu sa halagang P2K.

Read More:  CCTV captures computer shop robbery in Talisay City

Ang suspek ay nasa kostudiya na ng pulisya para sa kaukulang disposisyon habang inihahanda naman ang kasong isasampa na RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.