LEGAZPI-Nagpapagaling na sa ospital ang dalawang katao matapos saksakin ito ng suspek sa Purok 4, Brgy. Lidong, Sto Domingo, Albay.
Kinilala ang mga biktima na sina Roger Balilo Burac, 46 anyos residente ng Brgy. Calayucay, Rolante Balilo Balantes, 43 anyos, residente ng Purok 4 Brgy. Lidong, habang kinilala rin ang suspek na si Jefferson Balantes, residente ng Sitio Inabuyan barangay Alimsog, Sto. Domingo, Albay.
Ayon sa inisyal na imbestigasyon, habang nag-iinuman ang mga biktima sa harap ng bahay ni Dominga Balantes at nagdiriwang ng pista ng barangay ay biglang sumulpot ang suspek at nakipagtalo sa mga biktima.
Dahil dito nagkaroon umano ng di pagkakaunawaan biglang sinaksak ng suspek si Rolante Balantes, na tinamaan ang likod na bahagi ng ulo sa likuran.
Nang sinubukang pakalmahin ni Roger Burac ang dalawa, siya ay sinaksak din ng suspek, na tinamaan ang kanang itaas na dibdib. Ang ginamit na kutsilyo sa pananaksak ay galing sa kusina.
Tumakas ang suspek patungo sa palayan matapos ang insidente.
Ang dalawang biktima ay isinugod ng mga rumespondeng tauhan ng PNP sa Ziga Medical Hospital, Tabaco City para sa mediical na atensyon.
Sa ngayon ay patuloy pang inaaalam ng mga awtoridad ang naging dahilan nang kanilang pagtatalo hanggang sa nauwi na lamang ito sa pananaksak.