Naga City, napanatili ang sa pinaka mababang Alert Level Qualification

NAGA CITY- Napanatili ng Naga City ang pinakamababang Alert Level Qualification sa COVID-19 base sa update ng Interagency Task Force.

Mula Hunyo 1 hanggang Hunyo 15, 2022 Alert Level 1 parin ang Naga. Gayunpaman sinabi ni Mayor Son Legacion na hindi nila nakakalimutang may banta parin ng virus.  Ipinagpapasalamat ng LGU ang pagtangkilik ng bakuna dahil isa ito sa mga batayan sa mababang Alert level. 90, 488  total shots ng COVID-19 vaccine ang naiturok.

Read More:  Canlaon artisans adapt to calamities with limited materials, volcanic ash crafts

Dahil dito sumisigla ang negosyo sa Naga. Magdudulot muli ng pagtaas ng locally generated revenue, madadagdagan ang pondo ng lungsod para magamit sa mga serbisyo’t programa.

Read More:  Caretaker dies after stabbing incident in San Vicente, Palawan

Ilan sa mga aktibidad ngayon sa lungsod ang business bazar ng mga kabataan sa Kinastilyohan Street, mayroon ring photo exhibit sa Plaza Rizal kahapon at may tugtugan din sa parehong lugar kaugnay naman ng Birth Anniversary ni dating City Mayor and Department of Interior and Local Government (DILG) Sec. Jesse Robredo.