‘Banksy Universe’ exhibit – tuloy sa kabila ng mga pambabatikos

Hindi napigilan ng backlash mula sa mga artists, at iba pang netizens, ang pagbubukas ng ‘Banksy Universe’ exhibit ng Metropolitan Museum of Manila o The M.

Maaalalang inulan ito ng mga batikos lalo na’t wala namang permiso ang mga organizers mula kay Banksy – isang kilalang activist street artist.

Sa May 14, araw ng Martes, ay magbubukas pa rin ang ‘Banksy Universe Collective’.

Si Banksy ay isang anonymous at ‘di nagpapakita sa publiko na graffiti artist, na gumagawa ng mga subersibong sining na humahamon sa mga kasalukuyang kaisipan ng mga tao, pagdating sa iba’t ibang mga issue.

Nakilala siya sa mga graffitti sa iba’t ibang bahagi ng mundo, pati na rin ang isang art na nag-self-destruct sa isang museo.

Dahil sa hindi nito pagpapakilala, at hirap ma-contact – nagtaka ang mga artists at iba pang activists sa totoong layunin ng exhbit.

Una nang dumipensa ang mga organizers at sinabing, layunin lang nilang magbigay ng tribute sa artist.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *