Guo, nanindigan na hindi siya magbibitiw sa pwesto bilang Alkalde ng Bamban Tarlac

Nanindigan si Bamban Tarlac Mayor Alice Guo na hindi siya magbibitiw sa pwesto at lalaban pa siya bilang Alkalde sa 2025.

Itinanggi rin ni Guo na siya ay ispiya ng China na pinadala rito sa Pilipinas.

Read More:  Palace seeks reconsideration of SC ruling on unprogrammed funds

Giit niya nasaktan siya sa mga alegasyon laban sa kanya.

Ngunit aminado ang Alkalde na sinuportahan niya ang POGO bago siya maging Mayor at umapela rin siya sa sanggunian na payagan itong mag-operate.

Read More:  DSWD Sec. Gatchalian denies wasted AICS funds despite COA findings

Pero paglilinaw ng Alkalde na hindi niya kasusyo ang na-raid na POGO sa Tarlac.

Sinabi rin ni Guo na may lisensiya ng Philippine Amusement and Gaming Corporation ang naturang POGO kaya hindi niya ito napaalis noon.