Balidasyon sa mga karagdagang benepisaryo ng food stamp program sa Region 2, kasalukuyan na

Nagsasagawa na ng balidasyon ang Department of Social Welfare and Development Region 2 para sa mahigit 2, 000 na karagdagang benepisaryo ng Food Stamp Program.

Ito ang kinumpirma ni DSWD Regional Director Lucia Allan kung saan ang mga bagong benepisaryo ay mula sa 24 na bayan sa lalawigan ng Isabela.

Read More:  Several children saved in Davao del Sur anti-online sexual abuse raid

Bukod dito, kasalukuyan din ang paghahanap ng kagawaran ng mga tindahan na kanilang magiging katuwang sa nasabing programa na mapagkukunan ng pagkain ng mga benepisaryo ng FSP.

Read More:  Trailer truck plunges off Bukidnon bridge, three trapped for two hours

Sa ngayon, nasa mahigit 400 na benepisaryo mula sa San Mariano, Isabela ang kasalukuyang aktibong benepisaryo ng programa na nakatatanggap ng P3, 000 halaga ng pagkain kada-buwan sa pamamagitan ng Electronic Benefit Transfer card.