Isang SUC sa Camarines Sur, aprub sa pag-awit at pag-recite ng Bagong Pilipinas Hymn at Pledge

CAMARINES SUR – Payag ang Central Bicol State University of Agriculture sa Pili, Camarines Sur na isama tuwing flag raising ceremony ang pag-awit ng Bagong Pilipinas Hymn at recital ng Bagong Pilipinas Pledge.

Sinabi sa Brigada News FM Naga ni Dr. Alberto Naperi, CBSUA University President, hindi niya naman ito nakikitang isang abala na mas magpapahaba sa oras ng flag raising ceremony. Anya, mas mabuti nga na sa isang linggo, nabibigyan ng paalala ang mga nasa educational institution na maging makabayan sa pamamamagitan ng pag-awit nito.

Read More:  Grade 3 student dies after alleged punch by classmate in Davao City

“Maging makabayan naman hindi lang sa pag-awit kun’di sa paggawa. Nasisimulan lang kasi ang adbokasiya kung talagang napapaalalahanan o nareremind ang mga tao. Mas maganda siguro kung nababanggit natin ito dahil kahit papaano, lumalakas at lumalabas ‘yung dugong Piliino natin.”Dr. Alberto Naperi, DPA

Read More:  4-year-old boy dies, two other minors survive drowning incident in Lapu-Lapu City

Matatandaan na noong nakaraang Linggo, Hunyo 9, 2024 nang magpalabas ng kautusan ang Office of the President na obligado ang national government na awitin ang Bagong Pilipinas Hymn sa flag raising ceremony. Ang mga LGU at state university and colleges naman, hinihikayat lamang ngunit hindi inoobliga.