Ikinokonsidera ng buong organisasyon na “humbling experience” ng pagkatalo ng Ateneo de Manila University sa University of the Philippines (UP), sa kabila na inako ni head coach Tab Baldwin ang pananagutan sa naging resulta ng laro.
Mababatid na natapos na ang four-year winning streak ng Ateneo sa 84-83 loss sa Fighting Maroons sa harap ng 10,000 fans sa Mall of Asia Arena.

Target sana ng Blue Eagles na makuha ang 40th straight win simula noong October 2018, at makapasok sa UAAP Season 84 elimination round na magbibigay sa kanila ng outright finals spot, pero sa halip nalamangan sila ng Fighting Maroons sa unang quarter pa lamang hanggang sa mataos ang laro.
Para kay Baldwin, ang kanilang pagkatalo ay isang “great game of basketball” at pinuri ang Fighting Maroons dahil sa kanilang impressive start. //MHEL PACIA-TRINIDAD