Kai Sotto, mananatiling integral sa ‘big picture’ para sa Gilas

Hindi makakapaglaro si Kai Sotto para sa Gilas Pilipinas sa nalalapit na Southeast Asian Games, pero mananatili umano itong mahalagang bahagi ng national team program.

Si Sotto ay hindi kasama sa pool ng mga players na tinawag na maging kinatawan ng bansa sa 31st SEA Games ngayong buwan ni head coach Chot Reyes.

Read More:  Alex Eala set for Diana Shnaider rematch in Pan Pacific Open quarterfinals

Pero ang pagdating nito sa bansa matapos ang laro sa Adelaide 36ers sa Australia’s National Basketball League ay inusisa.

Samantala, nilinaw naman ni Samahang Basketbol ng Pilipinas deputy executive director Butch Antonio na plinano talaga nilang maging bahagi si Kai sa Gilas Pilipinas program, maging sa FIBA Basketball World Cup sa 2023.

Read More:  Young fencers to compete in Developmental Tournament in Mandaluyong on October 25

Sa kabilang dako, inaasahan nang itutuon ni Sotto ang kanyang buong atensyon sa paghahanda para sa NBA Rookie Draft, matapos na opisyal nang ipasa ang kanyang pangalan sa proceedings. //MHEL PACIA-TRINIDAD