Ibinahagi ng dating child star na si Serena Dalrymple sa social media kung paanu niya nakilala ang kanyang fiancé na si Thomas Bredillet.
Sa isang post sa Instagram, sinabi ni Dalrymple na nagkakilala sila ni Bredillet apat na taon na ang nakakaraan sa pamamagitan ng isang dating app.
Matatandaan na noong Hulyo ng nakaraang taon nang unang nagpost si Dalrymple ng larawan na suot ang tila engagement ring, habang hinahalikan ang kanyang boyfriend.

Si Dalrymple ay sumikat noong 1990s sa isang commercial para sa fast-food chain, at huling nakita sa big screen noong 2010 sa “Tanging Ina” sequel.
Noong 2014, nakuha nito ang kanyang master’s degree sa international business mula sa Hult International Business School sa London. //MHEL PACIA-TRINIDAD