Bakunahan ng mga baboy kontra ASF, nagiging mabagal ayon sa DA

Inamin ng Department of Agriculture (DA) na mabagal nga ang pagbabakuna ng mga baboy kontra African Swine Fever (ASF).

Ayon kay Agriculture Assistant Secretary for Swine and Poultry Dante Palabrica, wala pa sa 5% mula sa inilaang bilang ng bakuna ang nagagamit.

Read More:  Former Sen. Tolentino appointed as acting DOLE secretary

Mula nang muling sumipa ang bilang ng kaso ng mga baboy na tinatamaan ng sakit, 10,000 bakuna ang inilaan ng ahensya sa lalawigan ng Batangas.

Ngayon aniya, nasa 400 na baboy pa lang ang natuturukan.

Read More:  Senate minority walks out over proposed rules change

Isa sa mga dahilan kung bakit nagiging mabagal ang proseso ng pagbabakuna ay ang ipinatutupad na protocol gaya ng pagkuha ng blood samples kung saan malalaman kung may ASF ang isang baboy.

Sa bahagi kasing ito, tumatagal ng dalawa hanggang tatlong araw bago makuha ang resulta.