Maaaring kanselahin ang rehistro ng basketball player na si John Amores sa Games and Amusement Board depende sa imbestigasyong ginagawa sa kanya kasunod ng pagkakasangkot nito sa insidente ng pamamaril.
Ayon kay GAB Chair Atty. Francisco Rivera, ang imbestigasyon ay maaaring may kinalaman sa kanyang pagpapatalsik sa liga.
Sa oras na matapos ang imbestigasyon, ang Games and Amusement Board ay posibleng, kanselahin ang kanyang rehistro.
Pansamantalang nakalaya noong September 27 si Amores at ang kanyang kapatid matapos umanong payagang makapag-piyansa.
Itinakda naman ng Korte ang arraignment at pre-trial ng kaso sa December 4.