Bakunadong pulis sa Camarines Sur , umabot na sa mahigit 500; aktibong kaso ng COVID-19 sa hanay ng pulisya sa rehiyon, nasa 27

NAGA CITY—Umabot na sa 519 na PNP personnel sa Camarines Sur ang nababakunahan na laban sa COVID-19.

Ito ang sinabi sa Brigada News FM Naga ni PMAJ Malu Calubaquib, Spokesperson ng PNP Bicol.

Ayon kay Calubaquib, may mangilan-ngilan parin sa lalawigan na hindi pa nakakapagdesisyon na magpabakuna pero bago aniya matapos ang taon ay baka makumbinsi rin nila ang mga ito na magpaturok ng bakuna.

Read More:  ₱15.6-million worth of shabu seized in Davao City buy-bust operation

Kabilang naman sa nabigyan ng bakuna ang mga dependent ng mga PNP personnel na umabot sa humigit kumulang apat na libo sa buong rehiyon.

Batay sa pinakahuling tala, umabot na sa 11,424 mula sa kabuuang bilang na 12,564 kasama na ang mga Non-Uniformed Personnel sa mga nabakunahan sa hanay ng Pulisya sa Bicol region.

Sa bilang na ito 886 ang fully vaccinated sa Albay, 421 sa Sorsogon, 286 sa Masbate, 270 sa Camarines Norte, 79 sa Naga City habang 59 sa Catanduanes.

Read More:  Slain rebels in southern Negros responsible for 26 civilian killings since 2025, Army says

Samantala, kasalukuyang nasa recovery stage na ang 27 PNP personnel na nakatalaga sa ibat-ibang PNP stations sa Bicol region matapos magpositibo sa COVID-19.

Sa kabuuan ayon kay Calubaquib, nasa mahigit 500 PNP personnel na sa rehiyon ang tinamaan at nakarekober mula sa COVID-19 habang isa naman ang binawian ng buhay.

Sinabi din ng opisyal na mayroong nakalaang supply ng bakuna ang DOH para sa PNP Bicol.