Go suportado ang desisyon ni PRRD na payagan ang face-to-face classes sa lima pang kurso sa kolehiyo

Welcome kay Senador Christopher Bong Go ang desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na payagan ang limang degree o kurso sa kolehiyo na makapagsagawa ng face-to-face classes.

Kabilang sa mga higher education courses na inaprubahang makapag-sagawa ng face-to-face classes ay ang engineering and technology, HRM, tourism, marine engineering, at marine transportation.

Read More:  Marcos maintains trust in Dizon amid SEA Games probe

Sino ni Go na napaka-importante  ng mga sektor na ito sa ekonomiya kaya dapat lang na matulungan ang mga estudyante na maipagpatuloy ang kanilang pag-aaral at hindi makompromiso ang kalidad ng pagtuturo sa naturang mga kurso.

Binigyan diin naman ng senador na dahan-dahan nang ibinabalik sa normal ang pamumuhay subalit ginagawa ito ng pamahalaan ng ligtas habang nagpapatuloy ang pagbabakuna at pagpapatupad ng health safety protocols.

Read More:  PNP identifies two suspects in Mima Alicia killing

“Mahalaga ang edukasyon pero mas mahalaga ang buhay ng mga Pilipino. Patuloy po nating binabalanse ang lahat upang maiahon ang ating mga kababayan mula sa hirap na dulot ng pandemya,” dagdag pa ni Go.