Papalabas na ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang Bagyong Kristine.
Sa 11am bulletin ng PAGASA – huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 255 kilometro kanluran hilagangkanluran ng Bacnotan, La Union.
Taglay ang lakas ng hangin na aabot ng 95 kilometro kada oras at bugsong papalo ng hanggang 115 kilometro kada oras.
Sa kabila nito, posible itong lumakas pa habang nasa West Philippine Sea, at mananatili sa naturang area sa loob ng limang araw.
Maaari rin itong magkaroon ng pa-kurbang direksyon, at lumapit muli sa bansa.
Nakataas ang tropical cyclone wind signal number 2 sa:
Northwestern portion ng mainland Cagayan
Babuyan Islands
Nueva Vizcaya
Apayao
Abra
Kalinga
Mountain Province
Ifugao
Benguet
Ilocos Norte
Ilocos Sur
La Union
Pangasinan
Nueva Ecija
Tarlac
Pampanga
Zambales
Northern portion ng Bataan
Signal number 1 naman sa:
Batanes
nalalabing bahagi ng Cagayan
Isabela
Quirino
Aurora
Bulacan
nalalabing bahagi ng Bataan
Metro Manila
Cavite
Batangas
Laguna
Rizal
Quezon
Occidental Mindoro
Oriental Mindoro
Marinduque
Romblon
northern portion ng Palawan kabilang ang Calamian, Cuyo, at Kalayaan Islands
Camarines Norte
Camarines Sur
Burias Island