PBBM, nagbigay ng direktiba para sa pagtugon sa Bagyong Kristine

Naglatag ng ilang order si Pangulong Bongbong Marcos sa gitna ng epekto ng Bagyong Kristine.

Sa isang statement, muli niyang tiniyak ang tulong sa mga apektado ng bagyo.

Kabilang sa kaniyang mga iniutos ay ang full-mobilization ng iba’t ibang assets at tao mula sa mga ahensya kabilang ang AFP, PNP, BFP, at PCG.

Read More:  Lawmaker pushes for passage of 5% student discount bill

Pinagagamit din ang presidential helicopters para sa rescue o relief operations.

Kanselado na rin ang leave ng mga forntline personnel.

Inatasan din niya ang DBM na kaagad mag-release ng mga kinakailangang pondo para sa disaster response.

Sa oras na gumanda ang panahon – pinamamadali na rin ang pamimigay ng ayuda ng DSWD; habang inatasan ang DPWH para sa mabilis na clearing operations at pagsasa-ayos ng mga nasirang imrastraktura.

Read More:  Senate minority bloc members want Gatchalian as new SP

Pinababantayan din sa DTI ang mga hakbang para malabanan ang profiteering, at matutukan ang price control sa mga Kristine-hit areas.

Samantala, ang order naman ng Pangulo sa DA ay mag-implement ng mga polisiya para matulungan ang mga apektadong magsasaka.

Pinalalagyan din ng mga KADIWA stores ang mga ito apektadong lugar.