Bagyong Julian, muling nakapasok sa Philippine Area of Responsibility

Muling nakapasok ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang Bagyong Julian.

Sa 11am bulletin ng PAGASA – huling namataan ang sentro nito sa layong 245 kilometro, hilagangkanluran ng Itbayat, Batanes.

Read More:  Palace assures stable prices for 190 basic goods until year-end

Taglay nito ang lakas ng hangin na aabot ng 120 kilometro malapit sa gitna, at bugsong papalo ng hanggang 165 kilometro kada oras.

Nakataas pa rin naman ang signal number 1 sa Batanes.

Read More:  Apple to provide 170,000 MacBook Neo laptops to public schools nationwide

Ngayong hapon – inaasahang magla-landfall na ang bagyo sa Taiwan.

Inaasahan na rin ang patuloy na paghina ng Bagyo.

Wala na rin itong direktang epekto sa bansa, maliban na lamang sa bahagi ng Batanes.