Pulis na viral dahil sa road rage sa NLEX, inalis na muna sa pwesto

Inalis na muna sa pwesto ang isang pulis na nasangkot sa sa road rage sa kahabaan ng NLEX-Mindanao Avenue noong Lunes.

Ayon kay PNP Civil Security Group spokesman Lt. Col. Eudisan Gultiano, napag-alaman na ang pulis ay naka-assign sa CSG Stakeholder’s Assistance Center sa Fairview, Quezon City.

Makikita sa viral video na tinutukan nito ng baril at pinadapa ang nakaalitang truck driver sa NLEX.

Read More:  DepEd completes nationwide orientation on reforms for SY 2026–2027

Inilipat muna Regional Civil Security Unit NCR headquarters ang naturang pulis habang nagpapatuloy ang administrative investigation.

Binawi na rin ang kanyang firearm.

Depensa aniya ng sangkot na pulis na nagpatupad lamang ito ng pag-aresto sa truck driver matapos siyang takbuhan makaraang masagi ang gilid ng kanyang kotse na nagtamo ng mga gasgas.

Read More:  Ombudsman files plunder case against Jinggoy Estrada

Nilinaw pa ni Gultiano na walang nangyaring barilan sa kasagsagan ng insidente at nagkaaregluhan naman ang dalawa.

Samantala, patuloy pang inaalam ng PNP CSG kung nagkaroon ng pagmamalabis sa isinagawang pag-aresto ng pulis sa truck driver.