Bagong bihis ng NAIA

Matapos nga ang pagtake-over ng pribadong kumpanya na New NAIA Infrastructure Corporation sa NAIA, may bago ng official website at social media pages ang paliparan.

Ayon sa NNIC, layon nitong mabigyan ng mas komprehensibong impormasyon ang publiko tungkol sa NAIA kabilang na ang ongoing transformation project, gayundin ang progress at future vision ng airport.

Bukod dito, magsisilbi rin ang bagong website bilang travel hub sa mga pasahero kung saan makikita ang real-time flight information maging ang updates sa airport service at amenities.

At bilang pagbibigay pugay sa ating mga makabagong bayani, tampok sa website ang Bagong Bayani na nakatuon sa mga nakaka-inspire na kwento ng mga kababayan nating OFWs.

Para sa iba pang mga detalye pwedeng bisitahin ang kanilang website sa www.newnaia.com.ph pati na rin ang kanilang facebook at x account na New Naia Ph.