Inamin ni dating Philippine National Police, Chief, Senador Ronald Bato Dela Rosa na nangangamba siya sa ‘sweeping allegation’ na binitawan ni Philippine Amusement and Gaming Corporation, Senior Vice President Ret. Gen. Raul Villanueva.
Anya, maari kase nitong ma-demoralize ang kapulisan dahil hindi pa rin napapangalanan ang dating hepe na di umano’y tumanggap ng pera mula kay Alice Guo para tulungan itong tumakas.
Kasunod nito, tiniyak ng senador na gigisahin niya si Villanueva sa susunod na pagdinig para rito.
Ani Dela Rosa, karapatan ng bawat mamamayang Pilipino na malaman ang katotohanan sa likod ng pahayag na ito.