PNP, umaasang buhay pa si Catherine Camilon

Aminado ang Philippine National Police na maliit na ang tyansang makita pang buhay si Catherine Camilon.

Ito ang sinabi ni Police Regional Office 4-A Public Information Office Chief ltCol. Chitadel Gaoiran.

Ayon kay Gaoiran, sa kabila nito ay umaasa pa rin silang makikita si Catherine nang buhay kaya’t patuloy ang ginagawang paghahanap nila dito.

Read More:  DILG chief reveals options given to Jinggoy Estrada as arrest warrant looms

Matatandaang Oct 12, 2023 ng huling makita si Camilon.

Nitong Sabado, Sept 14 nang maaresto ng pulisya sa bisa ng Warrant of Arrest ng Batangas Regional Trial Court branch 3 dahil sa kasong kidnapping at serious illegal detention kay Camilon ang umano’y mastermind sa pagkawala ng biktima na sina dating Police Major Allan de Castro na sinasabing kasintahan nito at kanyang driver na si Jeffrey Magpantay.

Read More:  DILG chief reveals options given to Jinggoy Estrada as arrest warrant looms

Sa ngayon, nasa kustodiya na ng Balayan, Batangas Municipal Police Station ang 2 suspek.

Nauna nang sinabi ng ina ni Catherine na si Rose, umaasa silang makikita pa nang buhay si Catherine.

Nananalangin din silang magsasabi ng katotohanan si De Castro at Magpantay kung ano ang kanilang ginawa kay Catherine at kung nasaan na ito ngayon.